Nanindigan ang grupong Federation of International Cable TV Associations of the Philippines (FICTAP) na kailangang ituloy ang pagkakaroon ng national broadband network upang mas bumilis ang internet connection sa bansa.
Iginiit ni FICTAP 1st nominee Estrelita Tamano sa programang Boses ni Juan Special na ito ang solusyon para maging mas mura at mabilis ang koneksyon ng internet sa bansa.
Nakakalungkot aniyang isipin na mabilis ang internet speed ng mga kalapit nating bansa habang ang Pilipinas ang may pinakamabagal at mahal na internet connection.
“Papano naman kami makakapagbigay ng mabilis eh ang bili pa nga namin sa kanila, ang cost lang sa landing station wala pang 1 dolyar per mb, ang bili naming dito sa Luzon, 100 dollars na per mb, Visayas Mindanao, 150 dollars pa.” Pahayag ni Tamano.
By Katrina Valle | Karambola