Papalo sa mahigit 10 milyong residente ang walang suplay ngayon ng tubig sa Delhi, India.
Ito ay matapos na isabotahe ng mga raliyista ang kanal na siyang dinaraanan ng suplay ng tubig ng Delhi.
Dahil sa krisis sa tubig, maraming paaralan ang pansamantala munang nagsara.
Nabawi naman na ng militar ang naturang kanal mula sa mga raliyista ngunit humihingi ang mga sundalo ng panahon upang makumpuni ang mga naging sira nito.
Batay taya ng Delhi Water Board na aabutin pa ng tatlo hanggang apat na araw bago tuluyang bumalik sa normal ang suplay ng tubig sa lungsod.
By Ralph Obina
Photo Credit: Delhi Jal Board