Inilabas na ni Anne Curtis ang kanyang pinakabagong librong pambata ang ‘Anita The Duckling Diva’, sa pakikipagtulungan na din ng United Nations Children’s Fund (UNICEF).
Sa isang interview, sinabi ni Anne na isa talaga sa mga gusto niyang gawin ang magsulat ng libro at masaya siya sa oportunidad na ibinigay ng UNICEF, na kabilang sa adbokasiya nitong maglabas ng mga bagong libro para sa mga bata.
“I really wanted to write a book and it just so happened that UNICEF also had a line coming out. So I asked if it would be okay and they said yes, sure. And they introduced me to Sir Augie Rivera, who is my writing mentor,” ani Anne.
“It was 5 months talaga na writing workshops and 5 drafts then na ang daming pinagdaanan na proseso, until we came up with the duck [character] and the packaging,” dagdag niya.
Ang librong Anita the Duckling Diva, ay istorya ng isang ‘duck’ na naging mahiyain matapos ma-bully habang kumakanta. Ngunit dahil sa tulong ng kanyang ina at kaibigan ay sumali siya sa isang contest at pinatunayan sa lahat na magaling siya.
Sinabi ni Anne na pinili niya ang ‘duck’ character dahil ito ay may kaugnayan sa mga pinagdaanan niya bilang isang bata.
Una nang sinabi ni Anne na kung hindi siya naging artista ay gugustuhin niyang maging isang pre-school teacher.
Naniniwala din si Anne na malaking tulong ang pagbabasa lalo na sa bagong henerasyon.
Photo Credit: Anne Curtis' Instagram account