Sugatan ang 3 katao kabilang ang 2 bata matapos na sunugin ng hindi pa nakikilalang kalalakihan ang isang evacuation camp ng mga Lumad sa Davao City.
Ayon kay Southern Lumad Federation Pasaka Secretary General Jong Monzon, unang sinilaban ang bubong ng tent ng tinutuluyan ng refugees.
Makalipas naman ang ilang minuto ay sinundan ito ng pagsabog mula sa dormitory na tinutuluyan naman ng ilang estudyante at Haran workers.
Ang naturang lugar na bahagi ng compound ng simbahan ay nagsilbing tirahan ng mga katutubong Lumad matapos silang tumakas sa kaguluhan sa Bukidnon.
Kinumpirma naman ni Gabriela Partylist Representative Luz Ilagan ang panununog sa shelter ng mga Lumad kaninang madaling araw.
Ayon kay Ilagan, ang pagsunog sa naturang Lumad center ay ginawa ng isang paramilitary group.
Aniya batay sa report na kanyang natanggap, tinatayang 5 Lumad evacuee ay nasugatan sa naturang insidente na nakaapekto rin sa tirahan ng mga obispo sa loob ng compound.
By Judith Larino | Rianne Briones | Jill Resontoc (Patrol 7)