Naging mapayapa ang pagdiriwang ng ika-30 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution.
Ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Chief Supt. Joel Pagdilao, walang naitalang anumang insidente ng karahasan habang idinaraos ang programa kaugnay sa EDSA People Power 1.
Hindi aniya nakaapekto sa pagtitipon ang protesta ng nasa 100 katao.
Ipinabatid ni Pagdilao na 2,500 pulis ang ipinakalat nila mula Cubao hanggang Ortigas at Pasig bukod pa sa 1,500 tauhan ng MMDA.
Kaninang tanghali ay binuksan na rin ang magkabilang kalsada ng EDSA Ortigas hanggang Santolan na una nang isinara para sa aktibidad kaninang umaga.
By Judith Larino | Jonathan Andal