Binuweltahan ni Senador Juan Ponce Enrile si Pangulong Benigno Aquino III kaugnay ng naging talumpati ng punong ehekutibo sa pagdiriwang ng ikatlong dekada ng EDSA People Power Revolution kahapon.
Matatandaang sinisi kahapon ng Pangulo sina Enrile at Senador Bongbong Marcos sa hindi pagkakapasa ng panukalang Bangsamoro Basic Law (BBL) kung saan ang dalawang senador umano ang humarang para maisabatas ang BBL.
Sagot ni Enrile, wala nang ginawa ang Pangulo kundi ang manisi.
Sinabi ni Enrile na kung gugustuhin talaga, dapat ay hinimok aniya ng Pangulo ang kanyang mga kaalyado sa Kongreso na ipasa ang naturang panukala.
By Ralph Obina