Nagpaalam na si Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Albert del Rosario sa kanyang mga kasamang Filipino at American diplomats sa Washington DC.
Kabilang dito ang mga staff ng Philippine Embassy, diplomats at iba pang dignitaries sa Washington.
Ayon kay del Rosario, nakalulungkot man ay kinakailangan niyang magretiro dahil sa lagay ng kanyang kalusugan at para na rin sa kanyang pamilya.
Matatandaang si del Rosario ay ang Philippine Ambassador na naka-assign sa Estados Unidos sa ilalim ng Arroyo administration mula 2001 hanggang 2006.
By Ralph Obina