Naimprenta na ng Commission on Elections (COMELEC) ang 14.3 percent ng mga balota na gagamitin sa eleksyon sa Mayo.
Ayon sa COMELEC, umabot na sa 7.8 milyong balota ang naimprenta na sa National Printing Office (NPO), kahapon.
Sa mga naimprentang ito, 2,572,000 na balota na ang na-verify at 2,193, 431 na balota naman na ang na- check.
Sinabi ng COMELEC na ang balota na gagamitin sa Mayo ay may haba na 15.1 inches.
Kailangang matapos ang pag-iimprenta ng 55.7 milyong mga balota sa Abril 25.
By Katrina Valle | Aya Yupangco (Patrol 5)