Pumapalo na sa mahigit 1,000 ang naitalang lumabag sa COMELEC gun ban.
Ayon sa Philippine National Police, umaabot na sa 1,501 ang mga sibilyang naaresto na simula nang ipatupad ang election period nuong Enero 10.
Bukod pa ito sa 15 government officials, 11 pulis, 6 na sundalo, 20 security guards, 1 bumbero, 2 miyembro ng CAFGU at 5 tauhan ng iba pang law enforcement agencies
Nasa mahigit 1,000 armas at halos 15,000 deadly weapons ang nakumpiska ng mga otoridad sa isinagawang checkpoints.
Tiniyak ng PNP na higit pang palalakasin ang kanilang checkpoints at kampanya kontra loose firearms habang papalapit ang eleksyon sa Mayo 9.
By: Judith Larino