Inabangan ng marami ang 88th Oscar Awards 2016 na ginanap sa Dolby Theater sa Los Angeles.
Sa ikalawang pagkakataon, ang aktor na si Chris Rock ang nag-host ng prestihiyosong event.
Bukod sa mga winners, nagningning din ang mga bituin sa pagrampa sa red carpet.
Ilan sa mga big winners ay sina:
Wagi si Alicia Vikander bilang Best Supporting Actress, ito ang unang beses na na-nominate si Vikander para sa kanyang role sa pelikulang “The Danish Girl”.
Nasungkit naman ni Mark Rylance ang Best Supporting Actor sa pelikulang Bridge of Spies.
Ang Spotlight naman nina Josh Singer at Tom Mccarty ang nakakuha ng Best Original Screenplay.
Panalo ang pelikulang The Revenant ni Emmanuel Lubezki bilang Best Cinematography.
Para naman sa Best Adapted Screenplay wagi ang The Big Short ni Charles Randolph at Adam Mckay.
Hinakot naman ng pelikulang Mad Max Fury Road ang Best Production Design, Best Costume Design, Best Film Editing, Best Sound Mixing at Best in Makeup and Hairstyling.
Best Animated Feature Film naman ang Inside Out at Best Animated Short Film naman ang pelikulang Bear Story.
Nasungkit naman ng “Writing’s on the Wall” ni Sam Smith ang best original song.
Itinanghal na Best Director si Alejandro G. Iñarritu para sa pelikulang The Revenant.
Brie Larson, Best Actress para sa pelikulang Room, Best Actor si Leonardo DiCaprio para sa pelikulang the Revenant, at Best Picture naman ang pelikulang Spotlight.
By Jenny Valencia