Pinatawan ng parusang kamatayan ng Islamic State of Iraq and Syria o ISIS ang 8 miyembro nito na pawang mga Dutch nationals.
Ayon kay Abu Mohammad, miyembro ng citizen journalist group na Raqa is Being Slaughtered Silently o RBSS, naganap ang execution sa Raqa Province sa Syria.
Sinasabing nagtangkang kumalas sa grupo ang mga ISIS members kaya’t pinatay ang mga ito.
Isiniwalat ng RBSS na bago ito ay nagkaroon ng sigalot sa pagitan ng 75 Dutch Jihadists at ISIS intelligence operatives.
Hindi pa rin kinukumpirma ng Syrian Observatory for Human Rights ang naturang execution.
By Jelbert Perdez
Photo Credit: AP / the guardian