Nagpadala na ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng Middle East Crisis Team sa Saudi Arabia.
Ito ay para tulungan ang mga mangagawang Pinoy na kabilang sa mga nanganganib na mawalan ng trabaho dahil sa patuloy na pagsadsad ng presyo ng langis.
Una nang sinabi ng Malacañang na patuloy ang kanilang ginagawang pagmo-monitor sa sitwasyon sa Middle East at tinutugunan ang pangangailangan ng mga OFW doon.
By Rianne Briones