Natagpuang patay ang isang Pinoy welder sa Saudi Arabia na posibleng isang kaso umano ng suicide.
Ayon kay Labor Attache Restituto dela Fuente, ang hindi pa pinangalanang Pinoy ay natagpuang patay, alas-5:30 ng madaling araw noong Lunes sa kanyang pinagtatrabahuhan, ilang kilometro lamang ang layo mula sa kanyang tinutuluyan sa Riyadh.
Ilang kapwa manggagawa ng nasabing Pinoy welder ay nagsabing posibleng nagpakamatay ito bagamat patuloy pa ang imbestigasyon ng Riyadh Police sa insidente.
Ang naturang Pinoy welder ay empleyado ng Building Materials Trading Company, Contractor ng Saudi Oger Limited.
By Judith Larino