Tagumpay para sa Armed Forces of the Philippines (AFP) ang inilunsad na operasyon ng puwersa ng pamahalaan laban sa Maute terrorist group sa Butig, Lanao del Sur.
Ito’y matapos ideklara kahapon ng AFP na kontrolado na ng gobyerno ang pangunahing kuta ng teroristang grupo sa nabanggit na probinsya, higit isang linggo matapos ang nangyaring bakbakan doon.
Gayunman, sinabi ni AFP Spokesman Brig. Gen. Restituto Padilla na hindi pa masasabing mission accomplished ang operasyon dahil sinusuyod pa rin nila ang mga kalapit-lugar upang matugis ang natitira pang mga miyembro ng Maute group at masigurong wala nang resistance doon.
Tiniyak ni Padilla na magtutuloy-tuloy ang kanilang clearing operations hanggang sa matiyak nilang natugunan na ang lahat ng security issues sa buong lugar.
By Meann Tanbio | Jonathan Andal