Tinatayang aabot sa 29 milyong dolyar ang mga naiwan umanong ari-arian ni Al-Qaeda leader Osama bin Laden matapos itong mamatay noong 2011.
Ayon sa ulat, inihabilin ni Bin Laden sa kanyang pamilya na ilaan ito sa “Jihad” o banal na digmaan para kay Allah.
Ang will o habilin ni Bin Laden ay kabilang umano sa mga dokumentong nasamsam ng Estados Unidos sa isang raid sa Abbotabad, Pakistan.
Sinasabing tinukoy sa dokumento na ang kayamanan ni Bin Laden ay kasalukuyang nasa Sudan pero hindi malinaw kung ito’y cash o assets.
Bukod pa rito, may mga liham din ang yumaong Al-Qaeda leader para sa mga Amerikano kung saan hinimok niya ang mga ito na labanan ang mapaminsalang climate change para iligtas ang sangkatauhan.
By Jelbert Perdez