Hindi natuloy ngayong Martes ang pagdinig sa kasong plunder nina pork barrel scam queen Janet Lim Napoles at dating Chief of Staff ni Senator Juan Ponce Enrile na si Atty. Gigi Reyes.
Ipinaliwanag ni Atty. Dennis Pulma, Clerk of Court ng Sandiganbayan Third Division na hindi pa tapos na maamyendahan ang pre-trial briefs sa naturang kaso.
Sinabi ni Pulma na humirit ang mga akusado at ang depensa na huwag ituloy ang trial ngayong araw at bukas, March 3.
Dahil dito, nagpasya ang Anti-Graft Court na kanselahin ang trial ngayong umaga pati ang hearing bukas.
By Meann Tanbio | Jill Resontoc (Patrol 7)