Ipina-dedeklarang unconstitutional sa Korte Suprema ng iba’t ibang Labor Organization ang Republic Act 6727 o “Wage Rationalization Act”.
Ayon sa mga petitioner na ugnayan ng maralita laban sa kahirapan party-list at National Federation of Labor, labag sa “equal protection” ng batas ang R.A. 6727.
Sa 29 na pahinang petisyon, hiniling din ng mga labor group sa supreme couyrt na buwagin ang labing-pitong regional wage boards sa halip ay magtakda at mag-standardize ng isang national minimum wage sa buong bansa.
Inihayag naman ni partido ng Manggagawa Partylist Rep. Renato Magtubo na kailangan ding kalampagin ang kongreso upang amyehdahan ang nasabing batas.
“Dapat mayroon pang mahabang pag aral kaugnay dyan kasi that is a question of law, constituionality dapat ang kwestyunin. Equal protection of law ang kanilang argument at tingin ko naman may basehan.” paliwanag ni Magtubo.
By: Drew Nacino