Nananatiling kampante ang kampo ni Senador Grace Poe sa kahihinatnan ng kanyang disqualification case sa Korte Suprema.
Ayon kay Atty. George Garcia, legal counsel ni Poe, kumpiyansa sila na ibabasura ng supreme court ang desisyon ng Commission on Elections na kanselahin ang kanyang certificate of candidacy sa pagka-pangulo dahil umano sa “material misrepresentations” sa citizenship at residency.
Naniniwala anya sila na may nakitang punto ang S.C. sa kanilang argumento laban sa comelec rulings, base anya sa komento ng mga mahistrado sa oral arguments.
Sinupalpal naman ni garcia ang nagpapakalat ng mga tsismis na mayorya ng mga mahistrado ang pumabor sa disqualification ng senador dahil umano sa kabiguan nito na sumunod sa 10-year residency requirement para sa isang presidential candidate.
Iginiit ng abogado ni Poe na malinaw na sadyang nais hatakin pababa ng mga kalaban ang mambabatas at ang citizenship at residency nito ang naging daan upang mabura sa 2016 presidential election bagay na hindi anya mangyayari.
By: Drew Nacino