Pinatay ang award-winning Honduran Environmentalist na si Berta Caceres.
Kwento ni Ginang Berta Flores, ina ng biktima, base sa imbestigasyon ng pulisya ay pinasok ng magnanakaw ang bahay ng kanyang anak sa la Esperanza sa honduras.
binaril umano ng ‘di pa nakikilalang salarin ang biktima.
Matatandaang si Caceres ay nanalo ng 2015 Goldman Environmental Prize.
Kaugnay nito, tinawag na “A Crime Against Honduras” ni President Juan Orlando Hernandez ang naturang krimen.
Nangako naman ang presidente ng honduras na mabibigyan ng hustisya ang pagkamatay ni Caceres.
By: Mean Tanbio