Mayroon pa ring mga munisipalidad sa bansa na walang fire truck.
Ito ang inihayag sa DWIZ ni Pol. C/Supt. Renato Marcial, Spokesman ng Bureau of Fire Protection sa harap na rin ng sunod sunod na insidente ng sunog ngayong fire prevention month.
Ayon kay Marcial, kulang pa rin ng humigit kumulang 400 firetrucks para maibigay sa lahat ng munisipalidad sa bansa.
Bagamat may mga bagong biniling firetrucks, ginawang pamalit ito sa mga lumang truck ng buymbero na nasa tatlumpung taon ng ginagamit.
“Dahil may na acquire tayo na bagong fire trucks, yung 469 na fire trucks ito ay idi-distrubute sa iba’t ibang lugar. Itong mga kulang na nabanggit natin na almost 400, ito yung mga lugar na ang sunog ay halos once a year, ito naman ang magiging target natin.” paliwanag ni Marcial.
By: Aileen Taliping (Patrol 23)