Asahan na ang patuloy na pagbaba sa presyo ng gulay sa Metro Manila at mga karatig lalawigan nito sa mga susunod na buwan.
Ito’y sa kabila ng nararanasang matinding tagtuyot bunsod ng umiiral na El Niño phenomenon sa bansa.
Ayon sa DA, nananatiling matatag ang suplay ng gulay na nagmumula sa Cordillera Region dahil hindi naman apektado ng El Niño ang mga lalawigan ng Benguet at Mountain Province.
Maliban dito, panahon na rin anila ng anihan ng gulay kaya’t walang dahilan para magtaas ng preso ang mga nagtitinda at nagbibiyahe ng gulay.
By Jaymark Dagala