Nakahandang tanggapin ni Senador Grace Poe, anuman ang maging desisyon ng Korte Suprema sa disqualification case laban sa kanya.
Pahayag ito ni Atty. George Garcia, abogado ni Senador Poe sa harap ng posibilidad na ilabas bukas o hanggang Biyernes ng Korte Suprema ang kanilang desisyon matapos ang botohan sa araw na ito.
Binigyang diin ni Garcia na tiwala sila sa kredibilidad ng bawat mahistrado ng Supreme Court kayat wala silang pinetisyon para mag-inhibit sa kaso.
“Una kami po tatanggapin namin kung anuman ang maging desisyon o hatol ng ating kataas-taasang hukuman, pangalawa po naniniwala po kami na ang katarungan ay mananaig at therefore pagtatagumpayan po namin ito, pangatlo po naniniwala kami sa kredibilidad ng lahat ng miyembro ng Korte Suprema kahit pa po yung initially ay against sa amin, naniniwala kami na pabor man o against sa amin, lahat may kapangyarihan at karapatan na magbigay ng opinyon nila sa isyung ito.” Pahayag ni Garcia.
Hindi rin aniya nila binibigyan ng kredibilidad ang nabunyag na dalawang beses tinangkang suhulan ng tig-50 milyong piso ang SC justices kapalit ng pag-disqualify kay Poe.
By Len Aguirre | Ratsada Balita