Paninindigan ng DFA o Department of Foreign Affairs ang pag-impound sa barko ng North Korea, ang MV Jin Teng na dumaong sa Subic Bay.
Sa kabila ito ng mga babala na posibleng pag-initan ng North Korea ang Pilipinas dahil sa insidente.
Binigyang diin ni resigned Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario tumugon lamang ang Pilipinas sa resolusyon ng United Nations (UN) na nagba-blacklist sa MV Jin Teng makaraan ang kanilang nuclear and ballistic missile test.
By Len Aguirre