Dalawang partylist nominees at 13 iba pa ang kinasuhan ng National Bureau of Investigation o NBI dahil sa 1.6 billion investment scam.
Kabilang sa mga isinampang kaso ang syndicated estafa, paglabag sa Securities Regulation Code at Bouncing Checks Law.
Kasama sa mga kinasuhan ay sina Darlito dela Cruz, Pangulo ng HPI o Hyper Program International Direct Sales and Trading Corporation sa Quezon City at Queen Ashely Ablan ang Pangulo at Treasurer ng korporasyon.
Sila ang una at ikalawang nominee ng partylist group Tanggol Maralita ng tumatakbo ngayong eleksyon.
Batay sa imbestigasyon ng NBI, nanghihikayat ng investor ang HPI para sa kanilang mga negosyo na kinabibilangan ng asphalt production, construction, fishponds, farms at pag-develop ng mga subdivisions.
Dahil sa 15 porsyentong kita sa investment ay marami ang nahikayat maglagak ng puhunan.
Gayunman, bigo ang mga investors na makuha ang kita dahil pawang sarado na ang account ng HPI sa bangko.
By Len Aguirre