Inalmahan ng Philippine National Taxi Operators Association ang desisyon ng LTFRB o Land Transportation Franchising and Regulatory Board na ibaba ang pasahe sa taxi.
Ayon kay Quezon City Councilor Bong Suntay, Pangulo ng Philippine National Taxi Operators Association, hindi problema sa kanila ang desisyong gawing permanente ang kaltas na P10 sa flag down rate.
Ang malaking problema aniya ay nang gawing 500 kilometers ng LTFRB ang dati ay 300 succeding kilometers pagkatapos ng flag rate.
Sinabi ni Suntay na inihahanda na nila ang pinag-isang petisyon ng mga taxi operators at drivers sa buong kapuluan para tutulan ang desisyon ng LTFRB.
“Itong rate na ito effectively brings back the taxi rate way back to 2004 level, tapos ang sinasabi hindi kung ang iniisip niyo ay kapakanan ng mga driver, ibaba niyo ang boundary, Paano po natin ibaba ang boundary na sinisingil namin ay hindi naman tumaas since 2004, eh ang presyo ng auto di naman bumaba.” Pahayag ni Suntay.
By Len Aguirre | Ratsada Balita