Isang Pinay at dalawang Chinese ang natimbog sa drug bust operation ng special operations task group ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa Magallanes, Makati City, kagabi.
Tinatayang limang kilo ng high-grade shabu ang nasabat mula sa mga suspek na may halagang P25 milyong piso.
Ayon sa NCRPO, itinago sa mga pakete ng tsaa ang mga iligal na droga.
Kumbinsido naman ang mga awtoridad na bahagi ng isang malaking sindikato ng iligal na droga ang mga naarestong suspek.
By Drew Nacino | Jopel Pelenio