Hirap ang Gilas Pilipinas na pabilisin ang takbo ng kanyang training para sa Olympic qualifying tournament sa Hulyo.
Sinabi ni Coach Tab Baldwin na hindi nila mabuo ang target na development sa training dahil sa isang beses sa isang linggong practice.
Inamin ni Baldwin na kulang sa intensity at physical duress ang kanilang training sa kasalukuyan.
Bukod pa aniya ito sa hindi pagdalo ng ilang player nila sa training sessions dahil sa patuloy na PBA season.
Nagbibigay na lamang umano ng pointers sa Gilas players si Baldwin sa tuwing nagkikita kita sila tuwing Lunes.
By Judith Larino