Libu-libong mga dokumento na naglalaman ng pangalan, tirahan, phone numbers at family contacts ng mga Jihadist na sumali sa grupo ng Islamic State (IS) ang napasakamay ng Sky News ng United Kingdom.
Ayon sa ulat ng Sky, isang dating miyembro ng IS ang nagbigay ng memory stick na naglalaman ng mga dokumento na ninakaw mula sa pinuno ng IS Internal security police.
Ang mga dokumento ay papeles na dapat sagutan ng IS recruits para mapabilang sa nasabing organisasyon. Ito rin ay naglalaman ng impormasyon tungkol sa 51 bansa na kinabibilangan ng mga ito.
Ilan sa mga dokumento ay nagtataglay ng impormasyon mula sa Northern Europe, United States, Canada, North Africa at Middle East.
Samantala, sinabi naman ni Chris Phillips, Managing Director of Counterterrorism Consultancy International Protect and Security Office, na ang pangyayaring ito ay maituturing na ‘massive development’ laban sa terorismo.
By Mark Makalalad
Photo: Screengrab from skynews.com