Isinailalim na sa state of calamity ang lalawigan ng Guimaras matapos sumampa sa halos 100 milyong piso ang pinsala sa mga pananim dahil sa El Niño phenomenon.
Ito’y matapos mag-isyu ng resolusyon ang Guimaras Provincial Board makaraang isiwalat ng Provincial Risk Reduction and Management Council o PDRRMC na halos 3,000 ektarya na ng palayan ang nasisira.
Sinasabing mahigit 2,000 magsasaka rin umano ang apektado ng matinding tagtuyot.
Kaugnay nito, umakyat na umano sa mahigit P23 milyong piso ang halaga ng pinsala sa sektor ng agrikultura sa Zamboanga City.
Ayon kay City Agriculturist Diosdado Palacat, higit 1,000 ektarya na ng mga sakahan sa lungsod ang naaapektuhan ng El Niño.
By Jelbert Perdez