Bago pa man ang opisyal na release ng kanyang debut solo album na ‘Mind of Mine’, tatlo nang mga singles ang inilabas ni Zayn Malik.
Una na rito ang ‘chart topper’ Pillowtalk, pangalawa ang It’s You at ngayon nga ay napakinggan na ng fans ang 3rd single ni Malik na ‘Like I Would’.
Inanunsyo ito ng dating One Direction member gamit ang kanyang Twitter account.
Ang ‘upbeat’ na tunog ng ‘Like I Would’ ay isa lamang sa 17 kanta na nakatakdang i-release ni Zayn.
Tila naging kontrobersyal pa ang cover ng album, na makikita ang isang batang Zayn na puno ng tattoos sa kamay, dahil marami ang nagsabi na ginaya lang ito ni Malik sa album cover ng rapper/singer na si Lil Wayne.
Itinanggi naman ito ni Zayn at sinabing sarili niyang idea ang lahat ng aspeto ng kanyang album na nakatakdang i-release sa March 25.
Sa pag-alis nito sa bandang One Direction, una nang inamin ni Zayn na may pagkakaiba sila sa pananaw ng mga ka-banda.
Samantala, ang One Direction ay naka-‘break’ matapos ang release ng kanilang album na ‘Made in the AM’.