Hindi pa tiyak ng Manila Electric Company (MERALCO) kung tataas ba ang singil sa kuryente sa susunod na buwan.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni MERALCO Spokesman Joe Zaldarriaga na sa ngayon ay mino-monitor pa nila ang paggalaw ng presyo ng kuryente sa Wholesale Electricity Spot Market.
Pero, aminado si Zaldarriaga na kapag summer season ay nagkakaroon ng paggalaw sa presyo ng kuryente.
“Kadalasan po may pressure for prices to move upward once demand increases lalo na doon sa Wholesale Electricity Spot Market so yan po ay tinitignan din nating mabuti, we also entered into some interim power supply agreement para ma-cover yung tinatawag na peak load requirements namin, at meron ding mga cost components din minsan na nakakadagdag sa adjustment, hihintayin namin kung ano ang magiging paggalaw pagpasok ng Abril.” Pahayag ni Zaldarriaga.
By Meann Tanbio | Karambola