Bogus ang mga bank accounts sa RCBC Jupiter Branch na pinaglagakan ng di umano’y 81 milyong dolyar na ninakaw ng hackers sa Bangladesh funds na nakalagak sa New York Fed.
Ibinunyag ito ni Atty. Ramon Esguerra, abogado ng negosyanteng si William Go, ang itinuturong may-ari ng mga bank accounts sa RCBC Jupiter Branch sa Makati City.
Kasabay nito, ibinunyag ni Atty. Esguerra ang paglapit ni Maia Santos-Deguito, Branch Manager ng RCBC Jupiter St. upang hilingin ang tulong nitong maisara ang mga bank accounts na pinasukan ng nakaw na pera.
Sinabi ni Esguerra na dumulog na sila sa NBI o National Bureau of Investigation of paimbistigahan si Deguito.
LISTEN: Bahagi ng pahayag ni Atty. Ramon Esguerra
Binigyang diin ni Esguerra na hindi kailanman nagkaroon ng transaksyon sa RCBC Jupiter Branch ang kanyang kliyente na may kaugnayan sa mga kinukuwestyong bank accounts.
Malinaw anya na pineke ang lagda ni Mr. Go para mabuksan ang mga bank accounts na nagamit sa money laundering.
Samantala, dumulog na aniya sila sa Court of Appeals upang hilingin na tanggalin ang freeze order sa mga lehitimong bank accounts ni Mr. Go dahil naapektuhan na ang kanyang negosyo.
LISTEN: Bahagi ng pahayag ni Atty. Ramon Esguerra
By Len Aguirre