Sisimulan na ng China ang civilian flights patungo at palabas ng Spratly Islands ngayong taon.
Ito’y kasabay ng infrastructure expansion project ng Tsina sa mga pinag-aagawang isla.
Ayon sa Chinese Foreign Ministry, magmumula ang biyahe sa Sansha City, sa Woody Island na bahagi ng Paracel Archipelago.
Dalawang passenger ship at isang police vessel ang naka-deploy sa mga base station para sa mobile communications sa Sansha.
Samantala, inaasahang mapapalawak ng airfield sa Sansha at isa pang bagong paliparan sa Fiery Cross Reef ang air traffic services sa Spratly Islands.
By Drew Nacino