Pinaalalahanan ni Pangulong Benigno Aquino III ang mga nagsipagtapos sa Philippine Military Academy o PMA na maging neutral sa usapin ng pulitika.
Sa talumpati ni Pangulong Aquino sa graduation ceremony ng PMA kanina sa Baguio City, binigyang diin niya na hangga’t hindi nakikihalo ang mga pma graduate sa pulitika, maaasahan aniya ang tuloy na pagbabago.
Ipinaubaya rin ni Aquino sa kamay ng PMA Graduates kung mamamayani ang demokrasya o kung babalik tayo sa pang-aabuso at kawalang-hustisya.
Kasabay nito ang pagtuligsa ng pangulo sa 2 aniyang senador na hinaharang ang kanilang pagsusulong ng kapayapaan sa Mindanao.
Bagamat hindi pinangalanan ang 2 mambabatas, una na namang naiulat na ang mga tinutukoy umano ni aquino ay sina Senador Bongbong Marcos at Senador Juan Ponce Enrile.
By: Allan Francisco