Handa na ang UP Cebu sa isasagawang ikalawang presidential debate sa March 20, araw ng Linggo.
Tiniyak ni Gregg Lloren, UP Faculty Member at Event Manager para sa naturang debate ang ibang format at mas maikling commercial sa ikalawang tagisan ng presidentiables.
Nabatid na 500 katao ang kayang i-accommodate sa performing arts hall ng UP Cebu subalit 300 lamang ang papayagang makapasok kasunod ng mga dahilan pang seguridad at teknikal.
Ang 200 kataong audience ay iimbitahan ng COMELEC samantalang ang 100 slot ay inireserba para sa faculty at mga estudyante ng UP Cebu.
By Judith Larino