Nakalabas na ng ospital ang kapamilya TV host na si Luis Manzano matapos itong ma-confine noong nakaraang Sabado sa The Medical City.
Sa Instagram nag-post si Luis ng litrato ng suot-suot niyang patient wristband.
Hindi naman tinukoy ng TV host kung anong naging dahilan ng kaniyang pagkaka-confine, nilinaw lang ng binata na hindi umano dahil ito sa allergy.
Sa pamamagitan din ng Instagram pabirong nagbigay ng update si Luis kaugnay sa kaniyang pagkaka-discharge sa ospital.
Aniya na-discharge na siya at nakita umano sa blood test niya ang sobrang kaguwapuhan at iba ang hotness, very much above normal daw.
By Jenny Valencia