Binasahan na ng sakdal ang ilang akusado sa AK-47 rifle scam sa PNP o Philippine National Police.
Nagpasok ng not guilty plea si Director Napoleon Estilles, dating hepe ng PNP Firearms and Explosives Office sa graft cases na isinampa laban sa kanya.
Ang kaso ay nag-ugat sa di umano’y maanomalyang pag-iisyu ng mga lisensya sa mahigit 100 units ng AK-47.
Ang mga lisensya ay na-isyu sa apat na pribadong kumpanya sa kabila di umano ng kabiguan nilang magsumite ng kumpletong requirements at pamemeke ng ilang supporting documents.
Kapwa akusado ni Estilles sa kaso si Chief Supt. Raul Petrasanta na pumalit sa kanya bilang hepe ng PNP FEO at 12 iba pa.
By Len Aguirre