Naging mainit ang pagtanggap ng New York Knicks sa itinuring na farewell game ni Los Angeles Lakers Guard Kobe Bryant.
Panalo ang Knicks sa larong ito kontra Lakers sa iskor na 90-87.
Gayunpaman, isang pagpupugay ang inihandog ni Knicks Star Carmelo Anthony kay Bryant sa huli nilang paghaharap sa basketball court.
Ayon kay Anthony, hindi na nito itinuring na isang mahigpit na ka-kumpitensya si Bryant, sa halip ay mentor at kuya ang tingin nya rito.
Samantala, sa bibihirang pagkakataon ay sumama ang presidente ng Knicks na si Phil Jackson sa Staple Center sa Los Angeles upang masaksihan ang huling laro ni Bryant.
Naging coach kasi ni Bryant si Jackson ng ilang taon sa Lakers kaya nasaksihan ni Jackson ang kanyang pag-angat.
Tatapusin na lamang ni Bryant ang season na ito ng NBA upang tuluyan nang tuldukan ang 20 taong paglalaro sa NBA.
By Avee Devierte
Photo Credit: AP Photo/Kathy Willens