Nagbitiw na bilang gobernador ng Bangladesh Central Bank si Atiu Rahman sa kasagsagan ng imbestigasyon ng Senado ng Pilipinas hinggil sa umano’y money laundering activities.
Ito ang kinumpirma ng Ministry of Finance ng nasabing bansa makaraang manakawan umano sila ng 81 milyong dolyar mula sa kanilang foreign reserves.
Batay naman sa report ng Reuters, tinanggap na ni Bangladesh Prime Minister Sheikh Hasina ang pagbibitiw ni Rahman.
Sinasabing na-hack umano ang computer system ng nasabing bangko kung saan, nailipat umano ang naturang halaga sa Federal Reserve Bank ng New York na kalauna’y napunta sa mga casino sa Pilipinas sa pagitan ng Pebrero 4 at 5.
By Jaymark Dagala
Photo Credit: AFP