Nanindigan ng Iran na hindi nilalabag nito ang nuclear deal sa pagitan ng Tehran at six-world powers.
Ito ay matapos sabihin sa Australia ni Iran Foreign Minister Mohammad Javad Zarif na ang mga ballistic missiles na kanilang pinakawalan ay self-defense lamang.
Sinabi ni Zarif na ang missiles na kanilang pinakawalan ay hindi gagamitin sa pag-atake.
Matatandaan na umani ng batikos at international concern ang nasabing test dahilan para magpulong ang 15 bansang kasapi ng United Nations Security Council.
By Mariboy Ysibido