Nabunyag na mayroon umanong ilang lokal na opisyal sa Sulu ang sumusuporta sa Abu Sayyaf Group.
Gayunman, tumanggi ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na pangalanan ang mga pulitikong ito dahil patuloy pa nilang kinukumpirma ang mga nakakalap na impormasyon.
Hindi rin iniaalis ng militar ang posibilidad na gamitin ng mga ilang pulitiko ang Abu Sayyaf para makapang-harass ngayong panahon ng eleksyon.
Kaugnay nito, tahasang sinabi ni AFP Joint Task Group Sulu Commander Brig. Gen. Allan Arrojado na ang mga kandidato na sumusuporta sa Abu Sayyaf ay anti-peace, anti-progress, anti-development, at anti-Islamic persons.
Monitoring
Puspusan na ang ginagawang monitoring ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa sulu.
Tiniyak ni AFP Joint Task Group Sulu Commander Brig. Gen. Allan Arrojado na mahigpit ang kanilang koordinasyon sa iba’t ibang grupo sa Sulu para mapanatili ang kapayapaan sa nasabing lalawigan hanggang sa mismong araw ng halalan.
Pinag-iingat din ni Arrojado ang publiko laban sa mga posibleng karahasan na ilunsad ng Abu Sayyaf Group.
By Meann Tanbio | Jonathan Andal