Inaprubahan na sa mababang kapulungan ng Chile ang abortion.
Gayunman, ayon sa Kongreso, magiging limitado lamang ito sa mga sirkumstansya gaya ng mga kaso ng rape, panganib sa buhay ng ina at kung wala nang buhay ang fetus.
Sinabi ng Senado na kanila pang sisilipin ang draft ng Kongreso bago aprubahan.
Matatandaang ang Chile ang isa sa mga natatanging bansa sa buong mundo na hindi pa pinapayagan ang aborsyon.
By Ralph Obina
Photo Credit: Reuters