Aprubado na ng Commission on Elections ang pagdaraos ng halalan sa ilang piling mall para sa tinatayang 200,000 botante sa May 9 polls.
Ayon kay COMELEC Chairman Andres Bautista, bukod sa mga pampublikong paaralan, 86 na malls sa iba’t ibang panig ng bansa ang kanilang pinayagan na magsilbing polling precinct.
Hindi naman tinukoy ni Bautista kung anong mga partikular na mall ang itinalagang polling precinct upang mas maging kompotrable ang mga botante lalo ang mga matanda, may kapansanan at buntis.
Gayunman, tiniyak ng Poll Body Chief na kanilang ilalabas sa mga susunod na araw ang buong listahan at detalye ng mga presintong itinalaga sa loob ng mga mall.
By: Drew Nacino