Nakatakdang magsagawa ng road reblocking at repair sa ilang bahagi ng EDSA ang Department of Public Works and Highways sa Semana Santa.
Ayon sa D.P.W.H. – Metro Manila First District Engineering Office, magsisimula ang road repair at reblocking, alas-2:00 ng madaling araw ng Huwebes Santo, Marso 24.
Kabilang sa mga maaapektuhan ang EDSA Northbound sa kanto ng madison street, San Juan at Ortigas Avenue, Mandaluyong City at EDSA Southbound sa kanto ng Ortigas flyover at Boni Avenue.
Inaasahang matatapos ang reblocking activities alas dos ng hapon ng linggo ng pagkabuhay Marso 27.
Pinayuhan naman ng kagawaran ang mga motorista na dumaan muna sa mga alternatibong ruta upang maka-iwas abala.
By: Drew Nacino