Handa na rin ang Metropolitan Manila Development Authority para sa Oplan Metro Alalay Semana Santa.
Ayon kay M.M.D.A. Chairman Emerson Carlos, tututukan nila ang mga bus terminal lalo sa miyerkules santo kung saan inaasahang daragsa ang mga uuwi ng probinsya gayundin sa buhos ng mga luluwas ng maynila sa linggo ng pagkabuhay.
Nakipag-ugnayan na rin anya sila sa mga lokal na pamahalaan para sa iba’t ibang aktibidad tulad ng visita iglesia sa huwebes at prusisyon ng Itim na Nazareno sa Quiapo, Maynila.
Samantala, wala namang biyahe ang LRT Lines 1 at 2 simula Huwebes Santo, March 24 hanggang Linggo, ng pagkabuhay o Easter, March 27.
Ito, ayon kay L.R.T. Administration Spokesman, Atty. Hernando Cabrera, bunsod ng annual maintenance activity sa mga nabanggit na petsa.
Sa Miyerkules Santo anya ang huling biyahe ng tren ng line 2 mula Santolan Station, Pasig, alas-8:00 ng gabi habang alas-8:30 ang huling byahe mula Recto Station, sa Maynila.
By: Drew Nacino