Muling naramdaman ang matinding init ng panahon sa Metro Manila, kahapon.
Pumalo sa 35 degrees Celsius ang temperatura sa Science Garden sa Quezon City na pinakamainit na naitala sa ngayon.
Ito, ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ay kumpara sa 34.7 degrees celsius noong Marso 6.
Ibinabala naman ng Weather Bureau sa publiko na mas titindi ang nararamdamang init sa mga susunod na araw dahil sa presensya ng easterlies.
Pinayuhan ng PAGASA ang mga mamamayan na magdala ng mga pananggalang sa init gaya ng payong, sombrero, magsuot ng manipis na damit, laging uminom ng tubig at huwag na lamang lumabas ng bahay kung walang mahalagang pupuntahan.
By Drew Nacino