Patay ang mag-iina sa sunog sa isang residential-commercial building sa Divisoria, Tondo, Maynila.
Kinilala ang nasawi na si Edilyn Sunga at tatlo nitong anak na sina Edison, Mikaela at Markie na nasa edad 4 hanggang 7.
Sa inisyal na imbestigasyon, na-trap ang mag-iina sa tinutuluyan nilang bahay sa ikalawang palapag ng New Oriental Market sa Divisoria.
Nasa 50 pamilya ang naapektuhan ng sunog na nagdulot ng 5 milyong pisong pinsala.
Kasalukuyan pang inaalam ang sanhi ng sunog.
By Meann Tanbio