Iginiit ngayon ng pamunuan ng University of the Philippines (UP) na walang resolusyon na nagdedeklara kay Davao City Mayor Rodrigo Duterte na isang persona non grata.
Ang paglilinaw ay ginawa ni UP Vice President for Public Affairs Prof. Prospero de Vera matapos kumalat sa social networking site na Facebook na mayroon umanong nilabas na resolusyon ang Board of Regents ng unibersidad na nagdedeklara kay Duterte bilang persona non grata.
Kinondena ni de Vera ang anito’y malisyosong pagdawit sa UP sa isang partisan political conflict.
Nanindigan si de Vera na mananatiling non-partisan ang UP at hindi kailanman susuporta sa sinumang kandidato.
By Meann Tanbio