Tiniyak ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) Hydromet Division na hindi apektado ng El Niño ang suplay ng tubig sa Metro Manila maging ang power generation at irigasyon sa Central Luzon.
Inihayag ito ng ahensya kasabay ng pangambang bumaba ang antas ng tubig sa Angat Dam bunsod ng kawalan ng ulan.
Ayon kay PAGASA Hydrologist Gene Niervares, sapat pa naman ang reserbang tubig ng Angat Dam at hindi nila nakikitang bababa sa kritikal ang lebel ng tubig nito.
Gayunman, umaasa si Niervares na magkakaroon na ng mga pag-ulan pagsapit ng Mayo bagama’t inaasahan pa rin ang epekto ng El Niño hanggang Hunyo.
By Jaymark Dagala