Nagkaroon ng pag-asa ang mga taga-hanga ni Jake nang mapansin na napapadalas na ang paglabas niya sa Kalyeserye ng Eat Bulaga kung saan gumaganap siya bilang classmate ni Maine Mendoza o Yaya Dub at kasama pa siya sa Lenten special ng Eat Bulaga.
Bata pa lamang umano ay marami nang alok at kumukumbinsi sa kanya na mag-artista lalo na ngayong siya ay binata na at maraming nagsasabing malakas maka-action star ang dating ng binate.
Ngunit kwento ni Jake noon pa lamang ay nais na sana niyang sumabak sa pag-arte ngunit hindi pabor ang kanyang mga magulang dito.
Pinag-aral pa umano siya sa London para lamang maiwasan ang mundo ng showbiz.
Pero ngayon ay masaya siya at napapayag niya ang kanyang parents na maging bahagi siya ng Kalyeserye.
Ipinangako din niyang tatapusin pa rin ang pag-aaral.
Sa ngayon ay hindi pa handang tumanggap ng mabibigat na role ang binata.
By Jenny Valencia